Economy

Bumagsak ng 39% ang Kabuuang Foreign Investment ng Pilipinas 2024.

todayFebruary 20, 2025 6

Background
share close

Patuloy na humaharap sa malaking hamon ang ekonomiya ng Pilipinas matapos bumagsak ng 38.87% ang kabuuang dayuhang pamumuhunan noong 2024. Mula sa mahigit ₱889 bilyon noong 2023, bumaba ito sa ₱543.62 bilyon, ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Mga Bansang Malaki ang Ibinaba ng Pamumuhunan, maraming bansa ang nagbawas ng kanilang puhunan sa Pilipinas noong 2024:

Germany: Mula ₱394 bilyon noong 2023, bumagsak sa ₱352.8 milyon.
Netherlands: Mula ₱350 bilyon, bumaba sa ₱50.22 bilyon.
Japan: Mula ₱57.47 bilyon, bumaba sa ₱28.67 bilyon.
Singapore: Mula ₱37.52 bilyon, bumagsak sa ₱12.13 bilyon.
France: Mula ₱2.12 bilyon, bumaba sa ₱16.2 milyon.
China at Taiwan: Halos kalahati ang ibinaba ng kanilang pamumuhunan mula 2023.

Mga Bansang Nagtaas ng Pamumuhunan
Sa kabila ng pagbaba, may ilang bansang nagtaas ng kanilang pamumuhunan sa Pilipinas:

South Korea: Mula ₱1.52 bilyon noong 2023, lumobo sa ₱100.34 bilyon.
Switzerland: Mula ₱37 milyon, tumaas sa ₱289.1 bilyon.

Mga Industriyang Pinaka-Apektado
Elektrisidad, Gas, Steam, at Air Conditioning Supply: Bumagsak ng 114.5%, mula ₱732.37 bilyon patungong ₱341.50 bilyon.
Impormasyon at Komunikasyon: Bumaba mula ₱14.30 bilyon sa ₱463.6 milyon.
Agrikultura, Panggugubat, at Pangingisda: Mula ₱1.28 bilyon, bumagsak sa ₱90.7 milyon.

Mga Industriyang Bahagyang Bumawi
Transportasyon at Imbakan: Tumaas mula ₱2.41 bilyon sa ₱14.99 bilyon.
Akomodasyon at Pagkain: Lumaki mula ₱247.8 milyon sa ₱20.1 bilyon.
Real Estate: Mula ₱8.26 bilyon, tumaas sa ₱17.33 bilyon.
Manufacturing: Lumaki mula ₱110.94 bilyon sa ₱126.13 bilyon.

Pagbagsak ng Pamumuhunan sa Ikaapat na Kwarto ng 2024

Sa ikaapat na kwarto ng 2024, umabot lamang sa ₱57.70 bilyon ang aprubadong dayuhang pamumuhunan—isang 85.4% na pagbagsak mula sa ₱394.46 bilyon noong parehong panahon ng 2023.

Sa buong taon, bumaba rin ang kabuuang pamumuhunan ng parehong dayuhan at lokal na mamumuhunan, mula ₱585.17 bilyon noong 2023 patungong ₱373.70 bilyon noong 2024. Samantala, nanatili namang dominanteng mamumuhunan ang mga Pilipino, na may ₱316 bilyong kontribusyon, o 84.6% ng kabuuang aprubadong pamumuhunan.

Ano ang Naging Sanhi ng Pagbagsak?

Ang pagbaba ng dayuhang pamumuhunan ay maaaring maiugnay sa mga pandaigdigang pang-ekonomiyang suliranin, kawalan ng katiyakan sa pulitika, tiwala at kakulangan ng insentibo upang mahikayat ang mga dayuhang mamumuhunan. Sa kabila nito, patuloy na umaasa ang gobyerno na muling sisigla ang mga pamumuhunan sa bansa sa pamamagitan ng mas pinalakas na economic reforms at pagpapabuti ng investment climate sa Pilipinas.

Written by: admin

Rate it

Post comments (0)

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


0%